top of page

Paano Kung...

  • Writer: sbjct
    sbjct
  • May 4, 2014
  • 1 min read

O henerasyong mga anak ng pagbabago Para sa laya'y lingid ang pagdanak ng dugo Na hirap ng ninuno'y nagisnan lang sa libro Ano kaya’ng masasabi n’ya kung s’ya’y narito? Purihin kaya niya ang ating pagkalago O tuligsain tayong mga nagpapauto? Iraan sa pluma ang opinyo'y anu-ano Itong mga halatang problema siguro Tiwalang may duda sa loob ng pulitika Mitsa ng kaguluhan at ‘di pagkakaisa Demonstrasyong dapat sana’y mapayapa Dalisay na relasyon, hindi halos makita Hindi man magtatagal sa panig ng iisa Mga katotohanang ipinagkait sa masa Rebelyon laban sa kalahi’t kapwa Estado pa rin ang pamantayan t’wina Pagtangis sa sinapit ng kabataan Namatayan na ng pag-ibig sa bayan Mang-aawit na dayuha’y tinitilian Sariling kultura ay pinupulaan ‘Di makatulong kaya’t pabigat sa lipunan Edukasyon ay naging tila luho na lamang Na tila mas pinipili pa ang kamangmangan Sandata ng dunong ay nagawang pagtaksilan Iyong mga paghikbi sa mga nakitil na buhay Lahi’y pinalaya sa mapaniil na kamay Ngunit bakit baya’y tila naligaw na lunday Nagpapalamon sa mga oooo namamahay Bagaman inalagaa'y naging bulok na palay Lunas laban sa peste sa'tin nakasalalay Paano makikita ang nagtatagong kaaway? Lilitaw sa'ting likuran sa bukangliwayway O henerasyong mga anak ng pagbabago 'Di tulad noon, ang kalaban nati'y nagtatago Naghahari sa dilim kaya tayo ay talo Kung 'di makikita'y pagpuksa ay paano? Mga nailuwal sa kasarinlan kasama ako Ating pangatawanan ang pagka-Pilipino Humarap sa ilaw, labanan ang anino Nang hindi masayang ang kanyang sakripisyo

Comentarios


Blog Idea Dropbox

Thanks for submitting!

Let me send you letters

I don't post or send emails a lot, but if you want to get notified, leave your email here.

Leave us a rating!Needs improvementKeep growingCool site, thanks for sharingAwesome stuff you gotI'll definitely return hereLeave us a rating!
  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • tumblr
  • DeviantArt

All rights reserved © SBJCT

bottom of page