45 Segundo
- sbjct
- Mar 14, 2015
- 3 min read
Dahil gahol na sa oras at alanganin na sa pamasahe, hindi na ako pumunta sa kabayanan. Bumaba ako sa SM.
Ano ang opportunity costs sa bayan choice?
Sayang ang oras ng pagbyahe papunta sa bayan.
Kung sakaling walang pasahero at maiinip ako, babayaran ko ng P100 ang tricycle sa halip na P25 lang. At sayang ang oras na maghihintay ako ng kasama pero mauuwi rin pala sa mag-isa akong bbyahe.
Maganda na rin na sa SM ako bumaba. Bumili ako ng glue sa National Bookstore. Umalis ako sa SM at sumakay sa byaheng Pagbilao. Bumaba ako sa Lucing at sumakay sa motorsiklo. Tinanong ako ng drayber kung gusto ko na dumaan sa bagong daan. Sumagot ako, "Bahala po kayo." Doon kami dumaan. Sa bagong daan, mas malawak ang kalsada, ngunit kaunti ang kabahayan. Kapag kami ay naaksidente, matagal bago malaman. Sa kalagitnaan ng pagbyahe, pinatay ng drayber ang makina ng motorsiklo. At ito ang simula ng apatnapu't limang segundo. Ramdam na ramdam ko ang momentum ng aming sasakyan. Tumatakbo kami kahit patay ang makina. Hindi ko masabi kung pa-slope ang daan, maaaring oo ngunit tingin ko ay hindi. Sa 45 segundo na iyon, naramdaman ko ang prinsipyo ni Sir Isaac Newton na, "An object in constant motion remains in constant motion..." Sa 45 segundo na iyon, nakita ko ang sarili ko na nagtuturo sa mga limang-taon na bata ng Law of Inertia. Hindi naman malabo, 'di ba? Sa panahon ko, naituro sa akin ang Law of Inertia sa aking unang taon sa sekundarya. Sa panahon ng kapatid ko, natutuhan niya ito sa ikalawang baitang sa elementarya. Ito ay isang pangitain na ako ay mabubuhay pa upang ibahagi sa iba ang aking karanasan. Sa 45 segundo na iyon, naalala ko na, per Physics, hindi ko na maititigil ang isang bagay na nasimulan ko na, kung ako lang mag-isa. Ang isang bagay na nagsimula nang tumakbo ay hindi na titigil sa pagtakbo hangga't walang humaharang. Kung kaya't kailangan ko ng mga tao na hihigit sa tamang daan kapag nagsimula na akong malaglag at madulas. Masaya ako na isa ka sa mga tao na iyon. ----- TRANSLATION
45 Seconds
I dropped by the SM Pagbilao Terminal because, aside from saving money, I needed to save time. What are the opportunity costs of the City Proper terminal choice?
Time-consuming
If no other passengers ride the tricycle after a long wait, I have to pay four-passengers-worth, or P100 instead of P25. Time waiting will be wasted if I were to go wait and end up traveling alone.
My choice was also good, because I bought glue from National Bookstore. I mean, I did something else. I rode a jeep routed to Pagbilao, and unloaded at Lucing and rode a motorcycle for hire.
I was asked by the driver if I wanted to take the new road. The new road was an ongoing project of the city government, and it was still not fully asphalted, but it was fine. I said, "Up to you, Sir." We took that road.
The road was wider there, but there were a lot fewer houses. It would take a longer time for rescue to come if we were to face an accident.
During the travel, the driver stopped the engine (I don't really know the correct term or expression). That was the start of the 45 seconds.
The feeling of our momentum was overwhelming. We were moving albeit the engine was shut off. Was the road sloped down, or was it not? I cannot tell. In those 45 seconds, I felt Sir Isaac Newton's principle that, "An object in constant motion remains in constant motion..."
In those 45 seconds, I saw myself teaching five-year-old children of the future the Law of Inertia. Possible, right? In my time, I was taught of the Law of Inertia in my first year in high school. I was then 12 years old. In my brother's time, he learned it in his second year in elementary, or age eight.
This is a vision that I will live longer to share these experiences.
In those 45 seconds, I remembered that, per Physics, I cannot stop something I already started, or at least I cannot stop it all on my own... Because, something which was already started moving will not stop until an external force intervenes and hinders it.
That is why I need people who will pull me up when I start to fall and slip. I am glad that you are one of them.
Comentarios